TORRIJOS, Marinduque — Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang isang mahinang lindol sa karagatang sakop ng bayan ng Torrijos. madaling araw ng Huwebes, Oktubre 2, ganap na 12:01 ng umaga.
Ayon sa Phivolcs, ang lindol ay may lakas na magnitude 2.3 at may lalim na 15 kilometro. Natukoy ang sentro nito sa 13.17° Hilaga, 122.17° Silangan, tinatayang 19 kilometro sa timog 28° silangan ng naturang bayan.
Nilinaw ng mga awtoridad na hindi sapat ang lakas ng lindol upang magdulot ng pinsala at hindi rin inaasahang magdudulot ito ng mga aftershock.
Pinayuhan naman ng mga lokal na opisyal ang mga residente na manatiling kalmado at laging maging handa sa anumang sakuna, kahit na walang banta ang nasabing pagyanig. — Marinduquenews.com