Nagpatalbugan ang 16 na bading upang sungkitin ang karangalang maging ‘Ms. Gay Marinduque 2017’ sa ginanap na pageant sa pinabonggang stage ng Santa Cruz Municipal Plaza sa bayan ng Santa Cruz, Marinduque.
Maraming taong sumaksi, humalakhak at pumalakpak habang nagpapakilala ang 16 na kalahok sa paligsahang itinaguyod ng Gaylas, isang samahan ng mga homosexuals sa pangunguna ni Kagawad Jamer Revilla na may layuning i-angat ang pagtingin ng mga mamamayan sa sektor ng LGBT o lesbian, gay, bisexual and transgender at upang ipagdiwang ang taunang ‘gender equality program’.
Tulad ng karaniwang timpalak kagandahan, pumarada ang mga bading na naka-swimsuit, Victoria secret attire, fashion wear at long gown.
Nagkaroon din ng question and answer portion at pagpapakita ng iba’t-ibang talento habang walang sawang pumalakpak ang mga manonood.
Narito ang listahan ng mga nag-uwi ng korona: 4th Runner Up – Mica Mayor (Santa Cruz), 3rd Runner Up – Kayecee Reforma (Santa Cruz), 2nd Runner Up – Step Sadiwa (Gasan) at 1st Runner Up – Gonzalo Madrigal (Torrijos).
Samantala, itinanghal namang Miss Gay Marinduque 2017 ang kandidata mula sa bayan ng Santa Cruz na si Sheila Rocero na nag-uwi ng korona at limanlibong piso.
Ang mga lumahok ay mula sa anim na bayan ng Marinduque.