Sinuspindi ang mga byahe sa buong Marinduque ngayong maghapon, Disyembre 15 dahil sa malalakas na hangin at alon sa karagatan.
“Ayon kay Commanding Officer Lieutenant Edison Abanilla ng Coast Guard Station Southern Quezon, kung hindi kaya ng barko, hindi kaya ng kapitan, huwag pilitin, baka madisgrasya lang,” paliwanag ni Petty Officer III Denmark Cueto ng Coast Guard Sub-Station Balanacan sa bayan ng Mogpog.
“As per advise ng station, ipagpaliban o bukas na lang ang biyahe,” sabi ni Cueto,” hintayin na lang pong humupa (ang alon at ang hangin) dahil sa mapanganib sa mga mandaragat.
Read also: DOT, naglaan ng kalahating milyon para sa farm tourism ng Marinduque
Samantala, patuloy ang panawagan ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Mina Marasigan sa mga kababayan na sundin ang mga abiso ng mga awtoridad gaya ng Philippine Coast Guard (PCG) upang hindi maabala o maistranded dahil sa masamang kondisyon ng karagatan.
Una rito, ipinapaliwanag ng mga weather specialist ng Department of Science amd Technology (DOST) Pagasa na malalakas na hangin ang ipinapadala ng Amihan sa dako ng Mimaropa at West Philippine Sea.
Itong Amihan din ay may direktang epekto sa direksyon at paglakas ng bagyo.
Tanging ang Romblon pa lamang sa Mimaropa ang nasa ilalim ng Tropical Cyclone Warning Signal No. 1.
Read also: Greenhouse at vermicomposting facilities itinayo sa Buenavista
Habang isinusulat ang balitang ito, nananatili pa rin sa Dagat Pasipiko ang Bagyong Urduja ngunit nagpapaulan at nagpapabaha na sa napakaraming bahagi ng Eastern Samar.
Written by Lyndon Plantilla, Philippine Information Agency | Marinduquenews.com
#MakeADifference: Help us to stay up, help us to buy a video camera