Biyahe ng mga barko sa Lucena, Marinduque balik na sa normal

MOGPOG, Marinduque – Balik na sa normal ang operasyon ng mga sasakyang pandagat at mga pasahero sa Talao-Talao Port, Lucena City at Balanacan Port, Mogpog matapos ang pananalasa ng Bagyong Ursula.

Ito ay matapos ibaba ng Pagasa ang babala ng bagyo sa Marinduque at karatig nitong probinsiya.

Mga na-stranded na sasakyan sa Talao-Talao Port, Lucena City. Larawang kuha ni Jeff Ramos/Marinduque News

Sa Talao-Talao Port sa Lucena City, bandang alas-5:50 ng umaga ay nagsimula nang magpapasok ng mga sasakyan sa barko.

Sa Balanacan Port, Mogpog naman ayon kay PCG Balanacan Substation Commander Denmark Cueto, alas-7:30 ng umaga nakatakdang umalis ang barko sa unang biyahe nito mula Marinduque patungong Lucena City.

Samantala, patuloy na naka-monitor at nagpapaalala ang mga awtoridad sa publiko na doblehin ang pag-iingat upang makaiwas sa mga sakuna. Marinduquenews.com

Posted in Uncategorized
error: Content is protected !!