MOGPOG, Marinduque — Bagama’t wala ng tropical storm signal sa Marinduque ay hindi pa rin pinapayagan na bumiyahe ang mga barko patungo at paalis ng probinsya dahilan sa malakas pa rin ang alon at hangin sa Southern Quezon, ito ay ayon sa Balanacan Coast Guard.
Base sa weather bulletin ng Pagasa na inilabas kaninang alas 11:00 ng umaga, Disyembre 17, patuloy na mararanasan ang mga pag-ulan sa Southern Quezon, Batangas, Mindoro Provinces, Marinduque, Romblon, at Northern Palawan kabilang ang Cuyo at Calamian Group of Islands.
Read also: Byahe sa Marinduque, suspendido dahil sa malakas na hangin at alon
Pinapayuhan ng Pagasa ang mga residente sa mga lugar na nabanggit na higit na mag-ingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.
Samantala, may humigit 300 katao ang estranded sa Talao-Talao Port sa Lucena City dulot ng bagyong Urduja kaya pinapayuhan ang mga kababayan na huwag ng tangkain pa na magtungo sa mga pantalan hangga’t wala pang inilalabas na anunsyo ng ‘resume’ ng mga byahe ng barko ang mga awtoridad. — Marinduquenews.com
#MakeADifference: Help us to stay up, help us to buy a video camera