Bahagi na ng tradisyon at kaugalian na tuwing sasapit ang Mahal na Araw ay ginugunita sa lalawigan ng Marinduque na tinaguriang “Lenten Mecca of the Philippines” ang pamoso at sikat na Moriones Lenten Rites.
Ang Moriones Rites ay isa, kung hindi man ang pinakamalaking gawain na inaabangan ng mga Marinduqueno at mga turista, lokal man o dayuhan. Kung saan ay ginugunita at binibigyang buhay ang kabutihan, paghihirap at kalbaryo na dinanas ng Panginoong Hesukristo.
#SponsorNews: Moriones Lenten Rites 2018 Tour Packages, Book at Dream Favor Travel and Tours or Call at 0918-933-1605
Ilan sa mga nakatakda at tampok na gawain ay ang Parada ng mga Moryon, Via Crucis, Sinakulo at Salubong.
May iba’t iba namang inihandang gawain ang bawat bayan sa probinsya. Narito ang mga nakatakdang gawain sa mga bayan ng Boac, Santa Cruz at Torrijos, click here.
#MakeADifference: Kabayan, help us to stay up, help us to buy a video camera
Samantala, sa taong ito, ang Moriones ay isasagawa sa ikaapat na Linggo ng Marso hanggang unang Linggo ng Abril (March 25-April 1).
Note: Ilalathala namin ang mga gawain sa mga bayan ng Buenavista, Gasan at Mogpog kapag natanggap na ng Marinduque News ang kanilang finalized schedule of activities. –Marinduquenews.com