BOAC, Marinduque – Nasa Marinduque ngayon ang isang Indonesian Oceanographic Research Survey Vessel na kinontrata ng Philippine Long Distance Telecommunications (PLDT) upang magsagawa ng marine survey sa posibleng paglalagay ng ‘submarine fiber optic cable’ para mas lalo pang mapaganda ang ‘telecommunication infrastructure sa buong probinsya.
#MakeADifference: Kabayan, help us to stay up, help us to buy a video camera
Ayon sa Facebook post ni Luna Manrique, Boac Municipal Planning and Development Officer, “This project was initiated by our kababayan, PLDT Vice President Arvin Siena and not by any political leader in the province. Marinduqueno pa rin ang tunay na magmamalasakit sa lalawigan ng Marinduque.”
Sa huli ay ipinaabot ni Manrique ang kanyang taos-pusong pasasalamat kay Siena. –Marinduquenews.com