Kinatawan ng Marinduque, todo handa na para sa Mr. Grand Philippines

Naghahanda na sa pagsabak sa Mister Grand Philippines 2018 ang 22 anyos at tubong Libtangin, Gasan, Marinduque na si Mark Jero Bagaporo.

Ibayo ang preparasyon na ginagawa ni Mark partikular ang pagbababad sa gym at pagsasanay sa pagsasalita sa harap ng publiko.

Taong 2012 ng magsimulang sumali sa mga kahalintulad na patimpalak si Mark. Ilan sa kanyang mga nakamit na titulo ay ang Ginoong Gasan Turismo 2012, Mr. Marinduque State College Olympics 2016 at Mr. Strassuc 2nd Runner up 2016. Tinanghal din siyang 2nd Runner up sa Ginoong Mimaropa 2017 at finalist sa katatapos lamang na Global Bachelor of Philippines 2018.

Si Mark ay nag-aaral sa kolehiyo at kumukuha ng Bachelor of Secondary Education Major in Music Arts Physical and Health Education sa Marinduque State College (MSC).

Sa panayam ng Marinduque News, sinabi ni Mark “Bilang isang kabataan nanganagarap din po akong manalo ng titulo hindi lamang sa Pilipinas bagkus sa ibang bansa ng sa gayon ay maipakilala ko ang ating probinsya sa national at international pageantry”.

Dagdag pa ni Mark, “Para sa mga kagaya kong kabataan, lalo na iyong mga Marinduqueno na may passion sa pageantry, patuloy lamang kayong mangarap at magkaroon ng dedikasyon, tiwala at displina sa sarili sapagkat makakamit din natin ang tagumpay sa tamang panahon.”

Layunin ng Mister Grand Philippines na maipamalas ang pakikipagkapwa-tao at kakayahan ng mga kalahok.

Magsisimula ang mga aktibidad at programa ng pageant sa Mayo 22 samantalang sa Hunyo 2 naman nakatakdang ganapin ang coronation night. Marinduquenews.com

Posted in Uncategorized
error: Content is protected !!