Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng Marinduque candidate sa Miss Tourism Philippines 2017 na si Princess Anne Noche ng Barangay Butansapa, Mogpog, Marinduque.
Limang tulog na lamang bago ang inaabangang coronation night, sinabi ni Princess sa exclusive interview ng Marinduque News na todo praktis na ito sa kaniyang rampa at question and answer.
“I’ve been working a lot. Nagwo-work out po ako tapos nagbabasa ng mga current events at materials about tourism particulary sa Marinduque”, pahayag ni Princess.
Sa tanong, kung paano mapapalakas ng lalawigan ang sektor ng turismo, sinabi nito, “I would suggest that we must continue to develop and promote the beautiful spot in our province like Poctoy White Beach, Maniwaya and Gaspar Islands, Bagumbungan Cave and other untouched fantastic sceneries here and of course we must open our airport and other seaports so that Marinduque should be recognized for its ability to create job by means of tourism. Let us work together to maximize the potential of our local tourism to drive inclusive economic growth, protect the environment and promote sustainable development and a right of dignity for all.”
Naniniwala ang Marinduquena beauty na ang kaniyang karanasan sa pagsali sa mga pampagandahang patimpalak, pagiging nursing student at tiwala sa sarili, pamilya at Panginoon ang advantage nito sa iba pang kandidata.
Suportahan si Princess sa pamamagitan ng pagboto gamit ang cellphone. I-text lamang ang VOTE (space) MT11 at i-send sa 8933.
Ang coronation night ay sa darating na Linggo, Hulyo 30 at isasagawa sa Aliw Theatre, CCP Complex, Pasay City. Mapapanood naman ang delayed telecast ng beauty pageant sa TV5 Network sa ika-5 ng Agosto.