Sorpresang dumating kahapon, Hunyo 30, 2016 sa Fellowship Night ng Club Marinduqueno, Inc. ang dating housemate sa Bahay ni Kuya at 3rd place winner ng Pinoy Big Brother (PBB Unlimited Edition 2011) na si Joseph Emil Biggel tubong Banot, Gasan, Marinduque.
Matatandaang sumali si Biggel sa Pinoy Big Brother, isang reality show sa ABSCBN noong 2011. Ipinakilala siya sa publiko bilang “Ang Promdihirang Tisoy ng Marinduque”. Sa loob ng Bahay ni Kuya, siya ay sinubaybayan, minahal at todong sinuportahan ng kanyang mga fans lalo’t higit ng ating mga kababayang Marinduqueno kaya naman sa pagtatapos ng PBB, siya ay nakapasok sa Big 4 at itinanghal na PBB Unlimited Third Big Winner.
Sa ating pangungumusta kay Biggel, nakakatuwang isipin at marinig ang puntong Marinduqueno na hindi pa rin n’ya nakalilimutan. Ay ngani, edi ay oh, ay mandin. Ilan lamang iyan sa mga puntong maririnig mo sa tuwing siya ay magsasalita kaya lubos siyang minahal nang ating mga kababayan.
Magalang, hindi nakakalimot sa pinagmulan, puno ng determinasyon at mahal ang pamilya, iyan si Joseph Emil Biggel.