Ibinahagi ni Marinduque News Online Editor, Romeo Mataac ang kanilang masaya at hindi makalilimutang karanasan sa pagbiyahe ng mga relief goods sa Marinduque. Ang mga relief goods na nagmula sa ating mga kababayang may ginintuang puso (local and abroad) sa pamamagitan ng #SulongBayaMarinduque Relief Operations Initiative ng Club Marinduqueno, Inc. ay ipinagkaloob sa ating mga mahal na kalalawigan noong Disyembre 31, 2016.
Editor’s Note: Sa lahat ng ating mga kababayan na bagama’t hinagupit at pinadapa ng bagyo sa kasagsagan ng Pasko at Bagong Taon, kailanman ay hindi ko kinakitaan nang kawalan ng pag-asa at tiwala sa Panginoon. Sa lahat ng mga tumulong, mula sa gobyerno, pribadong sektor, NGO, simbahan, volunteers at donors, maraming maraming salamat at mahal na mahal po namin kayo. Dito ko nakita ang tunay na diwa ng isang Marinduqueno, ng isang Pilipino. Sadya ngani, kailanman ay hindi titigil sa pagtibok ang Puso ng Pilipinas. Sulong kabayan, may Diyos tayong maaasahan!