Mga kasapi ng livelihood program, sinanay sa wastong pagproseso ng karne

BOAC, Marinduque – Sa pakikipagtulungan ng Marinduque State College (MSC) ay nagsagawa kamakailan ng serye ng pagsasanay sa pagproseso ng karne ang Sustainable Livelihood Program (SLP) na dinaluhan ng mga kasapi ng nasabing programa.

Ayon kay Pamela Ligas, project development officer ng DSWD-Marinduque, ang mga kalahok mula sa iba’t ibang mga barangay ng Boac ay nagtipon sa food technology laboratory ng MSC. Inimbitahan din ng mga organizers si Nenita Gonzales at Ma. Edelwina Blasé na nagsilbing tagapagsalita para sa pagsasanay.

#MakeADifference: Kabayan, help us to stay up, help us to buy a video camera

Sinagot ng mga kalahok ang pre-test examination bago sila tipunin sa mas maliit na grupo para sa tamang pagsasanay. Ang ilan sa mga talakayan ay kinabibilangan ng pamamaraan ng pagproseso at pangangalaga ng karne at paghahanda ng pagkain.

Dagdag pa ni Ligas, ang bawat grupo ay inatasan na suriin ang proseso ng paggawa at produkto ng iba pang mga grupo sa pamamagitan ng pagtikim ng pagkain. Dalawa sa mga kalahok ang nagbahagi ng kanilang mga pananaw sa pangkalahatang pagsasanay bago ipamahagi ang mga sertipiko at token sa mga resource person.

Naging katuwang ng SLP ang mga service provider upang ihanda at ayusin ang pag-uugali ng mga kalahok bilang paghahanda sa negosyong kanilang tatahakin. Marinduquenews.com

Posted in Uncategorized
error: Content is protected !!