Mga payo ng simbahan tungkol sa Semana Santa

“It is really not just a tradition. The first Christians were known to be the most loving of all. Love is our identity. This week is holy because of love. Love alone can make us holy.”

“Tuwing Semana Santa, isa ang Pilipinas sa mga pinakamayaman sa tradisyon.

Mula sa makulay na prusisyon ng mga naglalakihang antigong imahen, hanggang sa pagsusugat ng sarili at pagpapapako sa krus, kanya-kanyang sunod ang maraming Katolikong Pinoy sa mga tradisyong ito na nagpasalin-salin na sa loob ng mahabang panahon.

Pero dapat nga ba na sundin na lang ang mga tradisyong ito?

Ayon kay Lingayen Archbishop Socrates Villegas, hindi dahil nakagawian na ang isang bagay ay dapat na itong sundin nang basta-basta na lamang.

Aniya, ang Semana Santa ay hindi isang simpleng obligasyon. Hindi rin aniya ito tungkol sa mga bagay na dapat na sundin ng mga Katoliko o sa mga ritwal at tradisyon para maipakitang banal ang isang tao.

“Fasting is good, but without ‘malasakit’ for others, it is nothing. Prayer is good, but without remembering others and laying aside personal comfort, it is just an ego trip. Helping the poor and giving alms are good, but if you do it for show or to get a ‘feel good’ reward later, it is just a noisy bell,” sabi pa ng arsobispo.

#MakeADifference: Kabayan, help us to stay up, help us to buy a video camera

Narito ang mga sagot ni Villegas sa ilang mga katanungan kaugnay ng Semana Santa:

Puwede bang mamasyal sa beach ngayong Semana Santa?

Puwede, ayon sa arsobispo, lalo na kung makatutulong ito sa iyo na matutong magmahal gaya ni Hesus.

Ngunit kung makakasagabal ito sa pagkilala sa Kanyang pag-ibig na siyang sentro ngayong mga Mahal na Araw, huwag na lang dumayo sa mga beach.

“The highest law is not silence but love. Silence speaks only if that silence is loving.”

Kailangan bang bumisita sa iba’t ibang simbahan?

Paliwanag ni Villegas, mainam itong tradisyon pero mas makabubuting bumisita sa mga may sakit.

“Choose love,” wika niya.

Kailangan bang sugatan at hampasin ang ating likod bilang pagsisisi sa mga kasalanan?

Imbes na pagdanak ng dugo sa mga lansangan, mas makabubuti aniyang mag-donate na lang ng dugo sa Red Cross.

“Choose to share life. Share your blood.”

Dapat bang maglakad nang nakayapak?

Sabi ng arsobispo, bakit hindi na lang mamigay ng mga tsinelas sa mga batang walang pangyapak.

Dapat bang umawit ng ‘Pasyon’?

Bagama’t tama ito, mainam din aniyang magbasa na lang ng Bibliya araw-araw kasama ang pamilya.

Dapat bang kumuha ng mga bulaklak sa mga karosa tuwing may prusisyon?

Ayon kay Villegas, bakit hindi na lang dalhan ng bulaklak ang mga inabandonang lolo at lola para mapawi ang kanilang kalungkutan.

Kailangan bang magmukhang malungkot tuwing Semana Santa?

Sabi ng arsobispo, ang pag-ibig ay nagsisimula sa isang ngiti. Makabubuti aniyang pasayahin ang iyong mga minamahal ngayong Semana Santa.

“With your smile, show that God is love.”

Sa gitna ng iba’t ibang tradisyon at ritwal tuwing Semana Santa, iginiit ni Villegas ang nag-iisang tradisyon na dapat panatilihin – ang tradisyon ng pag-ibig.

Photo Courtesy: Mr. John Eric Libios Licaroz | Source: news.abs-cbn.com

Posted in Uncategorized
error: Content is protected !!