Boac MPS, nagdaos ng dayalogo sa mga kababaihan ng Brgy. Agot

BOAC, Marinduque — Nagdaos ng makabuluhang dayalogo ang Boac Municipal Police Station (MPS) sa mga kababaihan ng Barangay Agot, sa bayan ng Boac, Marinduque na pinangunahan ni Patrolman Edward A. Ballara.

Tinalakay sa naturang dayalogo ang mahahalagang paksa tulad ng mga alituntunin ng Comelec para sa National and Local Elections (NLE) at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARRM).

Pinaigting din ang inisyatiba ng PNP na “Pulis Nyo, Kapamilya Nyo,” ang mobilisasyon ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATS), at ang konsepto ng Project K5 o ang Kalalakihang Kontra Karahasan sa Kababaihan at Kabataan.

Namahagi rin ng mga leaflet ang mga miyembro ng Boac MPS na naglalaman ng safety tips tungkol sa kampanya kontra ilegal na droga, end local communist armed conflict o kapayapaan tungo sa EDSA (ELCAC/KTE), karapatang pantao, at mga batas na nagpoprotekta sa mga kababaihan at mga bata. — Marinduquenews.com

error: Content is protected !!